mga taong mahalaga sa buhay ko

       Mga taong mahalaga sa buhay ko
                                                                                   by: Marla N. Padios





Maraming tao ang mahalaga sa buhay ko. Una ang aking pamilya dahil bawat oras ay nariyan sila. Ang aking pamilya ang gumagabay sa akin. Sila ang nagturo kung ano ang tama o mali. Laging nakasuporta sa anumang ginagawa ko. Lalo na kapag may problema nariyan lang sila sa tabi para gabayan at damayan ako. Sobra-sobra sng pasasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila hindi ako magiging sino ako ngayon. Kahit minsan - minsan ay napapagalitan ako samga maling nagawa ko pero mahal na mahal ko sila. Sa kanila ko narasan na maging masaya kahit na mahirap lang ang aming buhay basta sama-sama.







Ang pangalawa ay ang aking guro. Mahalaga sila sa sking dahil sila ang mga naging pangalawang magulang na gumagabay sa akin. Tinuturuan nila ako ng mga mahahalagang aralin upang ihanda sa totoong buhay. Maraming sakripisyo ang mga guro para lamang turuan kami. Kahit kami ay mga pasaway at pasakit sa ulo nandyan lang sila para pagsabihan kami. Kung wala ang mga guro sa buhay ko wala skong matutunan ng mga importanting aralin. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa aking mga naging guro dahil ang pagod ay inaalay nila sa amin para sa ikabubuti namin.






Ang pang huli ay ang aking mga kaibigan. Dahil sila ang mga taong tumutulong sa akin pag may problema. Palagi silang nandyan para pasayahin ako kapag malungkot. Handa silang protektahan at alagaan ka. Sila rin ang pagtitiwalaan ko ng mga sikreto at pag malungkot ako sila ang aking masasandalanat makikinig sa lahat ng sasabihin mo at handang umintindi sayo. Sa tunay na kaibigan mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal, pagaaruga at paguunawa gawa ng dapat na nararamdaman mo mula sa iyong pamilya. Sila yung mga taong handang sabayan lahat ng trip mo sa buhay. Kahit mga siraulo kaming mga magkakaibigan makikita mo parin ang pagmamahalan kahit hindi man  halata.

Comments